Inatasan ni Senator Robin Padilla ang staff nitong si Nadia Montenegro na magbakasyon muna sa gitna ng kinasasangkutan nitong isyu ng umano’y pagsisindi ng marijuana sa CR ng senado sa Pasay City.
Sa kumpirmasyon ng chief of staff ni Padilla na si Atty. Rudolf Philipp Jurado, August 13 sinimulan ng aktres ang kanyang leave.
Pinabulaanan din ni Jurado ang mga bali balitang nag bitiw na ang aktres bilang political staff ni Padilla.
Sa ngayon mananatili si Montenegro sa kaniyang trabaho. Pero inaasahang sasagutin ng aktres ang incident report na inisyu sa kaniya ng Office of the Sergeant at Arms.
ADVERTISEMENT
Pinakiusapan na rin ni Jurado si Montenego na magpa drug test alinsunod sa ipatutupad na random drug testing ng OSAA sa mga empleyado ng senado.

