Tila naging Hogwarts ang surpresang pagbisita sa STI Baguio campus ng isang cute na cute na brown owl na agad nagbigay ng kasiyahan sa mga estudyante.
Sa laki ng kanyang mata, kitang super gulat ang kuwago maging ang mga mag aaral. Marahil dahil kamukha ng hayop ang mascot ng paaralan na si owlie gayundin ang alagang hayop ng fictional character na si Harry potter.
Pero matapos ang picture taking ay agad naman pinakawalan ang owl papunta sa kanyang totoong tirahan.

