Kumpirmado nang kasali si Filipina tennis star Alex Eala sa US Open na magsisimula sa Agosto 24.
Sa pinakahuling post ng Rafa Nadal Academy, tampok ang mga litrato ng mga pro player na nagsasanay sa Majorca para sa US Open at tutungo sa New York para sa huling Grand Slam ng taon, at kasama rito si Alex Eala.
Ito ang unang pagbabalik sa tennis ni Eala matapos siyang ma-sideline dahil sa injury sa balikat noong Canada Open.
Ito rin ang unang pagkakataon na mapasama si Eala sa main draw ng women’s division ng US Open.
ADVERTISEMENT
Kasalukuyan siyang nasa ika-68 puwesto sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings.
Nakalahok na rin siya ngayong taon sa main draw ng French Open at Wimbledon matapos mapasama sa Top 100 noong unang bahagi ng Marso.

