Ilang araw bago umarangkada ang pagbusisi sa pampabansang pondo ng House of Representatives sa Lunes, nananawagan ang isang civil society organization ng mas malawak pang partisipasyon ng publiko sa naturang budget deliberations.
Giit ni Social Watch Philippines co-convenor Jessica Reyes-Cantos, ang pahayag ng kamara kamakailan na pinapayagan nito ang civil society groups na magsilbing tagapag masid sa budget deliberations ay isang hakbang pabalik kumpara sa mas aktibo nilang papel sa kongreso noong sila ay otorisadong mag komento sa mga pagdinig.
Hiniling din ng grupo sa kamara, hindi lang basta diskusyon at pagpapa litrato kundi ang makakuha ng mismong kopya ng budget electronic files ng pondo.

