Hinihimok ng isang abugado ang Korte Suprema na ideklarang un-constitutional ang bagong batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections mula December 2025 papuntang November 2026.
Sa kanyang petition sa Supreme Court iginigiit ni election lawyer Romeo Macalintal na hindi nakasaad sa bagong pirmang Republic Act 12232 ang salitang “postponement”
Iniangat nya rin ang 2023 Supreme Court decision sa Macalintal VS COMELEC case na nagsabing labag sa saligang batas ang pag postpone ng VBSKE nang walang basehan o kadahilanan.
Hiling ngayon ni Macalintal ang temporary restraining order o kay status quo ante order na siyang nag aatas sa office of the president na ihinto ang implementasyon ng batas.
ADVERTISEMENT
Una nang pinirmahan ni PBBM ang naturang batas para sa pagreschedule ng BSKE at pagpapalawak sa apat na taon ng termino ng mga barangay officials.


