WeatherFeatured

Bagyong Huaning, magdadala ng mga pag-ulan | News Light

Pumasok sa silangang bahagi ng Batanes ang tropical depression Huaning na may lakas ng hangin na 45 km/h at bugso na aabot sa 55 km/h, ayon sa PAGASA.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Pumasok sa silangang bahagi ng Batanes ang tropical depression Huaning na may lakas ng hangin na 45 km/h at bugso na aabot sa 55 km/h, ayon sa PAGASA.

Apektado ng buntot ng bagyo ang Ilocos Region, Zambales, at Bataan na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Sa Palawan at iba pang bahagi ng bansa, asahan ang maulap na kalangitan na may paminsan-minsang ulan at pagkidlat dulot ng habagat at localized thunderstorms.

Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na maging alerto at i-monitor ang susunod na ulat-panahon.

What do you feel about this article?