₱47.6-M halaga ng shabu, nakumpiska sa isang South African sa NAIA | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Arestado ang isang 43-anyos na South African sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City nitong Sabado ng gabi matapos mahulihan ng pitong kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱47.6 milyon.

Kinilala ang suspek bilang si “Antonie,” na dumating sakay ng Cathay Airways Flight CX 748 mula Hong Kong bandang 7:30 p.m.

Nasamsam mula sa kanyang bagahe ang tinatayang 7,000 gramo ng shabu.

Ang mga ebidensya ay agad na dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laboratory Service para sa pagsusuri at wastong disposisyon.

ADVERTISEMENT

Kinasuhan ang suspek sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kaparusahang habambuhay na pagkakakulong at multang hanggang P10 milyon.