Balitang A2ZLatest News

Rep. Leila de Lima, nais paimbestigahan sa DOJ ang Gov’t prosecutors na nauugnay sa kaniyang acquitted drug case

Naghain ng reklamo si Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila de Lima Laban sa government prosecutors na aniya'y muling binubuhay ang kanyang illegal drug case na nauna nang ibinasura ng korte.…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Naghain ng reklamo si Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila de Lima Laban sa government prosecutors na aniya’y muling binubuhay ang kanyang illegal drug case na nauna nang ibinasura ng korte.

Inihain ni Atty. Dino de Leon ang reklamo kahapon, August 14, sa isang liham kay Justice Chief. Jesus Crispin Remulla.

Hiling ng kampo ni De Lima na imbestigahan ng Department of Justice si Provincial Prosecutor Ramoncito Ocampo sa kasong grave misconduct, gross neglect of duty at ignorance of the law.

Nag ugat ang reklamo ng kongresista mula sa apela na inihian ng naturang prosekusyon sa Muntinlupa City Regional Trial Court branch 204 na naglalayong baliktarin ang acquittal ng drug case ng kongresista.

What do you feel about this article?