Umarangkada na kahapon, August 14, ang konstruskyon ng bagong kamuning footbridge sa Quezon City na target matapos ng Disyembre.
Ayon kay Transport Chief. Vince Dizon, nakatakdakng patayuan ang bagong footbridge ng entrance at exit door na konektado sa Kamuning Northbound at Soundbound Station ng Edsa busway.
Siniguro din ng kalihim ang maliit lamang na epekto sa daloy ng trapiko ng naturang konstruksyon na sa tuwing umaga lamang isasagawa.
Plano naman ng Quezon City LGU na wasakin na lamang ang mount kamuning na aniya’y pasakit lamang sa mga Senior citizen at PWD.

