Ipinagdiwang ng Jesus Christ the Door of Blessings International Church ang kanilang ika-25 anibersaryo nitong Hulyo 27, 2025 sa Renaissance Convention Center, Riverbank, Marikina
Ang selebrasyon ay may temang “25: A Year of Great Harvest”. Kung saan naging highlight ang talata sa bibliya mula sa Galacia 6:7 na ‘Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihan”
Ayon sa palaala ni Bishop Lito Marasigan na tayo ay maglingkod sa Panginoon at maghasik ng mabubuting salita ng Diiyos. Lalo pa’t ang panahon ng paghihintay sa Panginoon ay hindi kailanman nasasayang.
Sa pagtitipong ito, muli ring ipinaalala sa mga dumalo na ang tunay na pagbabago ng isang tao ay matatagpuan lamang sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

