Balitang A2ZLatest News

Hiling ng kampo ni Duterte na suspendihin ang ilang deadline, inaprubahan ng ICC

Inaprubahan ng International Criminal Court ang hiling ng legal team ni dating Pang. Rodrigo Duterte na pansamantalang suspindehin ang ilang deadline sa pagsusumite ng dokumento habang naka-recess ang korte. Pumayag…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Inaprubahan ng International Criminal Court ang hiling ng legal team ni dating Pang. Rodrigo Duterte na pansamantalang suspindehin ang ilang deadline sa pagsusumite ng dokumento habang naka-recess ang korte.

Pumayag ang ICC Pre-trial chamber one na suspindehin ang deadline mula July 25 hanggang August 18.

Inatasan naman ng chamber ang kampo ni Duterte na magsumite ng public version ng mga confidential document. Bagay na hindi naman tatanggihan ng kampo ni Duterte ayon kay Lawyer Nicholas Kaufman.

What do you feel about this article?