Nagsimula na ang dalawang buwang election period sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao bilang paghahanda sa kauna unahang BARMM parliamentary polls sa Oktubre.
Ibig sabihin mula August 14 hanggang October 28 ay mahigpit na ipatutupad ang gun ban at kaliwat kanang checkpoints ng kapulisan sa buong rehiyon.
Sa August 28 naman nakatakdang magsimula ang campaign period habang magpapatupad ng liquor ban at campaign ban simula sa disperas at mismmong araw ng halalan sa october 12 at 13.
Aabot sa 80 miyembero ng bangsamoro parliament ang ihahalal ng mga botante sa first ever parliamentary elections ng naturang rehiyon.

