Balitang A2ZLatest News

Fiscal Autonomy Law, nilagdaan na ni PBBM

Pormal nang nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Judicial Fiscal Autonomy Act na naglalayong mabigyan ng kapangyarihan at kalayaan ang hudikatura bilang isang kapantay na sangay ng pamahalaan. Layon…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Pormal nang nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Judicial Fiscal Autonomy Act na naglalayong mabigyan ng kapangyarihan at kalayaan ang hudikatura bilang isang kapantay na sangay ng pamahalaan.

Layon ng batas na i-diretso na sa Kongreso ang eksaktong proposed budget  ng hudikatura at maisasama sa national budget.

Ang chief justice ang awtorisadong mag apruba ng pondo habang obligado ang supreme court na gumawa ng report sa loob ng isang taon.

Samantala pinagmumulta ng Office of the Ombudsman si dating Cebu Gov. Gwendolyn Garcia dahil sa reklamong grave abuse of authority at iba pa.

ADVERTISEMENT

Pinagbabayad ng Ombudsman ang dating opisyal ng P1.2 million sa reklamong naugat sa desilting project sa Mananga River sa ilalim ng kanyang administrasyon.

What do you feel about this article?