Hindi kailangan ng lead investigator kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa alegasyon ng maanomalyang Flood Control Projects sa bansa, ayon sa Malacañang.
Ito ang tugon ni Palace Undersec. Claire Castro kay Baguio City Mayor. Benjamin Magalong na nagpi-prisintang pangunahan ang imbestigasyon ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ukol sa isyu.
Ayon kay Castro, nakalatag na ang sistema ng administrasyon para sa flood control probe partikular ang direktiba ng pangulo na bumuo ng regional project monitoring committees sa ilalim ng sumbong sa pangulo website.
Gayunpaman, bukas pa rin aniya ang palasyo sa mga ebidensyang maaring i-sumite ni Magalong kaugnay sa mga korapsyon sa imprastraktura.
ADVERTISEMENT
Nangako rin ang palasyong pag-aaralan nito ang mga isusumite ng alkalde at maghahain ng kaukulang reklamo laban sa mga madadawit na inbibidwal.

