Lusot na sa mataas na kapulungan ang Senate concurrent resolution No.4 na layong palakasin ang transparency at accountability measures sa proseso ng pagpasa ng budget sa Kongreso.
Ayon kay Senate Finance Committee Chair. Sherwin Gachalian nakaangkla ang resolution sa pagsasapubliko ng mga dokumento sa bawat hakbang ng budget process mula sa committee reports general appropriation bill at iba pa.
Sa ngayon kasi ang tanging available online ay ang Proposed National Expenditure Program o NEP mula sa panukala ng budget dept. at ang approved at isinabatas na budget o yung general appropriations act.
Bukas rin ang senado na isapubliko ang bicameral conference. Sa panig naman ng Kamara sinabi ng house budget committee chair na tatalakayin pa kung paano ito gagawin.
ADVERTISEMENT
Sa August 18 nakatakdang simulan ng house ang budget deliberations.

