News LightLatest News

Resolusyong i-livestream ang budget deliberations, aprubado ng Senado | News Light

Upang maiwasan ang last-minute budget insertions, inaprubahan ng Senado ang pagpapatupad ng kasalukuyang resolusyon na gawing accessible sa publiko ang bawat dokumento at hakbang ng pag-apruba sa budget.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Upang maiwasan ang last-minute budget insertions, inaprubahan ng Senado ang pagpapatupad ng kasalukuyang resolusyon na gawing accessible sa publiko ang bawat dokumento at hakbang ng pag-apruba sa budget.

Dahil dito, iuupload sa congressional websites ang lahat ng dokumento at mapapanood sa pamamagitan ng livestream ang budget deliberations maging ang bicameral conference committee meetings.

Kabilang sa mga dapat ilagay sa website ay ang General Appropriations Bill na inaprubahan sa Kamara at ipinasa sa Senado, ang committee report at transcript ng mga pagpupulong ng bicam, at ang joint explanation sa mga disagreeing provisions.

Bukod dito, inatasan rin ang Department of Budget and Management na ilagay sa kanilang website ang mga orihinal na dokumento ng budget proposal ng mga ahensya.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?