Usap-usapan sa social media ang pasilip ni Nadine Lustre sa kanyang pasarela training sa ilalim ng isang pageant runway coach.
At sa kabila ng mga kontrobersiya, Justin Bieber nag-share ng sweet moment kasama ang asawang si Hailey Bieber.
Getting ready ang award-winning actress na si Nadine Lustre matapos magpraktis rumampa kasama ang international pasarela trainer na si Ian Lorenz Mendajar.
Si Ian ang runway coach ng beauty queens gaya nina Pia Wurtzbach, Kylie Versoza, Ahtisa Manalo, Winwyn Marquez, Michelle Dy at marami pang iba.
Sa instagram ibinahagi ni Direk jun lana ang snaps sa pasarela training ni Nadine. Ito ay para sa upcoming film na ‘Call Me Mother’ na isa ring official entry sa MMFF.
Marami ang naiintriga sa kung ano nga ang magiging role ni Nadine sa pelikula lalo na’t makakasama ng aktres ang MMFF Box Office Queen na si Vice Ganda.
ADVERTISEMENT
Very sweet and going strong naman sina Justin Beiber at wifey na si Hailey Beiber.
Sa instagram, proud na flinex ni JB ang kanilang sweet moment na tila nagpi-picnic. Marami namang faney ang kinilig at nagbigay ng positive comments sa post.
Kamakailan lamang naglabas ng album si Justin na ‘Swag’ na hango sa kanyang devotion bilang ama at asawa

