Dream come true para sa actress na si Marjorie Barretto matapos makumpleto sa ang kanyang college education sa edad na 51.
Sa instragam post emosyonal niyang ibinahagi na hindi anya naging madali ang kaniyang pinagdaanan bago makapagtapos ng pag-aaral.
Kailangan aniyang isantabi ang kaniyang pag-aaral noon para sa showbiz, pagiging ina, at kalaunan ay para sa public service, at negosyo.
Nagpasalamat naman si Marjorie sa Philippine Women’s University at sa kaibigang si Ruffa Gutierrez na nagtulak sa kanya na bumalik sa kolehiyo at makuha sa wakas ang kanyang diploma.

