RegionalLatest News

IPHO, nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak | News Light

Hinimok ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO) ang mga magulang na suportahan ang school-based immunization program na layong mabakunahan ang higit 80,000 mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lalawigan.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

children's nurse injecting arm of little brown girl, while looking at her face. doctor's hands with rubber gloves injecting covid-19 or flu vaccine. medical concept, health and pandemic.

Hinimok ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO) ang mga magulang na suportahan ang school-based immunization program na layong mabakunahan ang higit 80,000 mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lalawigan.

Magsisimula ngayong buwan hanggang Setyembre ang “Bakuna Eskwela,” kung saan target ang mga Grade 1 at Grade 7 para sa bakuna laban sa measles, rubella, tetanus, at diphtheria.

Target din na mabakunahan ang mga babaeng Grade 4 para naman sa human papillomavirus o HPV.

Hinikayat din ang mga magulang na dumalo sa Parent-Teacher Association meetings upang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagbabakuna at maipaliwanag ito sa kanilang mga anak.

What do you feel about this article?