Pabirong nagbabala si Interior Sec. Jonvic Remulla ng parusang death penalty laban sa mga empleyado ng gobyernong mapapatunayang sangkot sa online gambling.
Ito’y matapos na kumpirmahin ng kalihim na handa na ang Department of the Interior and Local Government o DILG na isumite ang listahan ng mga opisyal sangkot sa online sugal.
Binigyang diin ni Remulla na saklaw ng Memorandum Circular 20205082 ang mga empleyadong nasa ilalim ng himpilan ng DILG.
Dagdag pa ng kalihim, ang sinomang mahuhuling nag o-online sugal ay maaring mapatawan ng suspensyon o kaya naman ay masampahan ng kasong administratibo sa ombudsman.
ADVERTISEMENT
Maari pa rin naman aniyang bumisita sa mga sabungan ang mga opisyal ng pamahalaan pero hindi ang para tumaya pa.

