Umarangkada na ang pagdinig sa Kamara patungkol sa umanoy maanomalyang Flood Control Projects.
Ginisa ni House Committee on Public Accounts Chair. at Bicol Saro Rep. Terry Ridon ang ilang opisyal ng DPWH sa mga tanong rin ni PBBM ukol sa mga proyekto particular kung paanong pare-pareho ang budget na nakalaan sa magkakaibang distrito.
Pero sa hiwalay na ambush interview mismong ang anak ng president at House Majority Leader Rep. Sandro Marcos aminado na hindi kakayaning pangunahan ng Kamara ang imbestigasyon dahil ilan sa idinadawit ay myembro ng Kongreso.
Para kay Cong. Sandro, mas maigi kung third party nalang ang mag imbestiga.

