Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12232 na nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) mula sa orihinal nitong petsa na Disyembre 2025 patungong Nobyembre 2026.
Kasama rin sa pinirmahan ang pagbibigay ng apat na taong termino para sa mga opisyal. Ayon sa bagong batas, hindi maaaring maglingkod nang higit sa tatlong magkasunod na termino ang isang barangay official sa parehong posisyon, habang isang termino lamang ang pinapayagan para sa SK officials.
Sa kasalukuyan, mananatili sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal bilang hold-over capacity maliban na lamang kung sila ay matatanggal o masususpinde, ngunit ang mga nasa ikatlong magkasunod na termino ay hindi na maaaring tumakbo sa 2026.

