Balitang A2ZLatest News

Senate Pres. Escudero umalma sa pag-uugnay sa kanya sa isang top contractor sa flood control projects

Nagsalita na si Senate Pres. Chiz Escudero sa pagdadawit sa kanya sa umano’y anomalya sa Flood Control Projects. Iyan ay matapos lumutang na dati siyang tumanggap ng malaking campaign donations…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Nagsalita na si Senate Pres. Chiz Escudero sa pagdadawit sa kanya sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Iyan ay matapos lumutang na dati siyang tumanggap ng malaking campaign donations mula sa isang major contractor ng pamahalaan.

Samantala sa kabila ng pagbubulgar ni Pres. Marcos sa aniya’y kataka-takakang patterns sa Flood Control Projects sa bansa, ayon sa Malacanang buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Public Works Secretary Manuel Bonoan.

Umalma si SP. Francis Escudero sa pag-uugnay sa kanya sa alegasyon ng korapsyon sa Flood Control Projects. Lumutang kasi na ang Centerways Construction na siyang Top 7 contractor ng Flood Control Projects ay siyang biggest donor sa kanyang 2022 Senatorial Campaign.

What do you feel about this article?