Bagong museum ba na bibisitahin ang hanap ninyo?
Good news! Bukas na ang pinakamalaking science museum sa bansa.
Ang Mindspark ay isang 9,000-square-meter science museum sa Parañaque na binuksan para sa publiko simula kahapon.
Tampok ng museo ang mga interactive exhibits at STEM o science, technology, engineering, at math-themed na mga room.
ADVERTISEMENT
Hinimok naman ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang mga estudyante na puntahan at bisitahin ang museo para sa dagdag-kaalaman.
Dagdag niya, ito ay magbibigay ng daan para sa innovation hindi lamang sa loob ng mga paaralan.

