Plano ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ng konsultasyon sa iba’t-ibang sektor ukol sa panukalang tuluyang pagbabawal ng online gambling.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro wala pang petsa kung kailan makikipagpulong si PBBM sa mga stakeholders pero itatakda ito rin ng pangulo.
Magugunitang maraming mga mambabatas na ang nanawagan kay PBBM na tuluyan ng ipagbawal ang Online Gambling dahil sa maraming buhay at pamilya na ang sinira nito.

