News LightLatest News

Paggamit ng wikang Filipino ng mga bata, isinusulong sa pangambang matabunan ito ng wikang Ingles | News Light

Nanawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga magulang, lalo na sa mga ina, na maging aktibo sa pagtuturo ng wikang Filipino sa kanilang mga anak sa gitna ng…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Nanawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga magulang, lalo na sa mga ina, na maging aktibo sa pagtuturo ng wikang Filipino sa kanilang mga anak sa gitna ng pangambang matabunan ito ng wikang Ingles.

Ayon kay KWF Chairperson Marites Barrios-Taran, nakaaalarma ang pagbaba ng kasanayan ng mga bata sa pagsasalita ng Filipino, batay sa mga ulat mula sa mga magulang na hirap nang mag-Filipino ang kanilang mga anak.

Binigyang-diin niya na pinakamabisang paraan upang mapanatili ang Filipino ay ang araw-araw na paggamit nito na dapat sinisimulan sa loob ng tahanan.

Iminungkahi niya na gawing pangunahing wika sa bahay ang Filipino o iba pang katutubong wika, at simulan sa maliliit na hakbang tulad ng pagsagot ng “Magandang umaga” sa halip na “Good morning.”

ADVERTISEMENT

Hinikayat din niya ang paggamit ng Filipino sa mga pampublikong lugar gaya ng paaralan, pamilihan, simbahan, at mga tanggapan ng gobyerno.

What do you feel about this article?