Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Agosto.
Sa abiso ng power company, halos ₱0.63 kada kilowatt hour ang taas-singil.
Ibig sabihin, ang overall household rate ng Meralco ay tataas sa ₱13.27 kada kilowatt hour.
Kaya naman, sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hours, may dagdag na ₱125 kada buwan, at ₱188 naman sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hours.
ADVERTISEMENT
Aabot naman sa mahigit ₱300 ang dagdag sa billing para sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.
Ayon sa Meralco, bunsod ang taas-singil ng pagtaas ng generation charges mula sa power generators at wholesale spot market.

