Mahigit isang libong pamilyang Mangyan mula sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro ang lumikas mula sa kabundukan patungo sa kapatagan nitong Martes upang umiwas sa sagupaan ng tropa ng pamahalaan at hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Mayor Allan Roldan, ang mga evacuee mula sa Barangay Lantuyang, San Ignacio, Bayanan, at Bangkatan ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan.
Sa bakbakan, tatlong sundalo, kabilang ang isang opisyal, ang nasawi, habang tatlo pa ang sugatan at dinala sa V. Luna Hospital sa Quezon City.
Tinatayang 15 rebelde ang sangkot sa engkwentro, ngunit hindi pa tiyak ang bilang ng nasawi sa kanilang panig.
ADVERTISEMENT
Nagpahayag ng pakikiramay si Maj. Gen. Ramon Zagala, acting commander ng Army’s 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, at binigyang-pugay ang kabayanihan ng mga nasawing sundalo.

