Naghain ng petisyon ang ilang transport group sa LTFRB para sa pansamantalang dagdag P1 pasahe.
Ayon sa mga grupo, bunsod ito ng sunud-sunod na oil price hike kung saan umabot na sa halos limang piso ang presyo ng diesel sa loob lamang ng apat na linggo.
Magsasagawa naman ng konsultasyon ang DOTR sa economic team ng Gobyerno hinggil sa posibleng maging epekto nito.
Wala pa naman umanong tugon ang LTFRB patungkol sa kahilingan ng Transport Group.

