Inihain na ang ika-limang petisyon sa Korte Suprema para baliktarin ang desisyon nito sa pagdedeklarang unconstitutional ang impeachment case laban kay VP. Sara Duterte.
Muling iginiit ng petitioner na si Atty. Amando Ligutan na walang nalabag na batas sa ika-apat na impeachment complaint sa one-year bar rule ng konstitusyon.
Umaasa siya na ikokonsidera ng korte suprema ang kanyang inihaing petisyon.

