Usap usapan ngayon sa social media ang engagement announcement ni Football Superstar Cristiano Ronaldo sa kanyang long time partner na si Georgina Rodriguez featuring ang isang super engagement ring.
Sa ig post ng Argentine model na si Georgina kinumpirma niya ang “I do” sa proposal ni Ronaldo with a photo ng singsing at sa pagtataya ng jewelry experts online tinatayang hindi bababa sa 22 Carats ang center stone diamond ring na talaga namang bagay na bagay sa big life ng celebrity couple.
2016 nagkakilala ang dalawa at ngayon ay may napalaki ng limang anak together including ang panganay ni Cristiano sa nauna nitong relasyon.

