News LightLatest News

DILG, inatasan ang mga barangay tanod na magbantay sa mga paaralan | News Light

Matapos ang magkakasunod na insidente ng pamamaril sa mga paaralan, ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtatalaga ng mga barangay tanod sa mga paaralan.

Carlene Latuna · · 2 min read

Matapos ang magkakasunod na insidente ng pamamaril sa mga paaralan, ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtatalaga ng mga barangay tanod sa mga paaralan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education kahapon, inihayag ni Senator Raffy Tulfo ang pagkabahala sa sunod-sunod na karahasan sa mga paaralan.

Dahil dito, kinuwestiyon ng senador ang mga kasalukuyang panuntunan ng Department of Education.

Kaugnay nito, inilabas ng DILG ang Memorandum Circular 2025-072 na nag-uutos sa mga barangay na magtalaga ng mga barangay tanod sa mga paaralan.

Sa memorandum, tungkulin ng mga barangay tanod na ayusin ang trapiko tuwing pasukan at uwian, magpatrolya sa paaralan at sa mga kalapit na lugar na madalas puntahan ng mga estudyante, at magbantay at mag-ulat ng mga insidente na banta sa seguridad ng paaralan.

Iniutos rin ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na suportahan at tulungan ang mga barangay para sa pagpapatupad nito.

ADVERTISEMENT

Bago ito, pinaigting na rin ng DepEd ang kanilang mga panuntunan laban sa karahasan maging sa bullying.

Kahapon lamang, isang school principal ang binaril sa tapat ng paaralan, at noong nakaraang linggo, isang Grade 10 student sa Nueva Ecija ang binaril at isang guro naman ang binaril sa Lanao del Sur.

What do you feel about this article?