Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ng malakas na ulan na aabot sa 50-100 mm ngayong Miyerkules, Agosto 13, sa Batanes at Cagayan bunsod ng bagyong Gorio.
Pinayuhan ang publiko at mga lokal na tanggapan ng disaster risk reduction and management na magsagawa ng kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng kanilang nasasakupan.
Nakatakdang maglabas ng panibagong abiso ang PAGASA mamayang alas-11 ng umaga maliban na lamang kung may malaking pagbabago sa sitwasyon.

