Mas pinatatag ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa Canada sa larangan ng agrikultura at pangingisda matapos ang high-level meeting.
Sa pagpupulong nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Agriculture and Agri-Food Minister Heath MacDonald sa Maynila, nilagdaan ang isang joint statement sa pagitan ng Bureau of Plant Industry at Canadian Food Inspection Agency para sa isang technical collaboration.
Saklaw ng kasunduan ang kooperasyon sa plant health, capacity building, scientific and regulatory advancement, at exchange of innovations.
Tinalakay rin ang food security, negosasyon sa free trade, high-value crops, at mga hakbang laban sa African swine fever.

