Ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) ang petisyon ng Nestlé Philippines Inc. laban sa pagpataw ng sweetened beverage tax (SBT) sa kanilang malt-flavored drink na Milo.
Sinabi ng Second Division ng CTA na walang hurisdiksyon ang korte sa kaso dahil nabigo ang Nestlé na dumaan sa tamang proseso bago magsampa ng kaso.
Kinuwestiyon ng Nestlé ang kautusan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magbayad ng SBT matapos iklasipika ng Food and Drug Administration (FDA) ang Milo bilang “flavored milk drink.”
Iginiit naman ng BIR na tanging sila ang may kapangyarihang magpasya sa pagbubuwis ng mga produkto at hindi ang FDA.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, tuluyang ibinasura ng CTA ang kaso at tinawag na “moot and academic” ang mosyon ng Nestlé na ipatigil ang pangongolekta ng buwis.

