News LightFeatured

Mas mahigpit na anti-bullying policies, ipapatupad sa lahat ng paaralan | News Light

Inatasan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magpatupad ng malinaw na anti-bullying policies, agad tumugon sa mga reklamo, at magsagawa ng kongkretong hakbang para sa kaligtasan ng mga…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Inatasan ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magpatupad ng malinaw na anti-bullying policies, agad tumugon sa mga reklamo, at magsagawa ng kongkretong hakbang para sa kaligtasan ng mga estudyante, alinsunod sa bagong implementing rules and regulations (IRR) ng Anti-Bullying Act.

Ayon kay Council for the Welfare of Children (CWC) Executive Director Usec. Angelo Tapales, itinakda ng DepEd ang minimum standards para sa mga polisiya ng paaralan, kabilang ang obligasyong magsagawa ng imbestigasyon at ibalik ang pakiramdam ng seguridad para sa lahat ng nag-aaral at nagtatrabaho sa mga paaralan.

Bawal na rin sa ilalim ng bagong IRR ang pag-iwas ng ilang paaralan sa pag-aksyon sa mga kaso ng pambubully.

Obligado rin silang magtalaga ng disciplinary officers at learner formation officers para tutukan ang mga kasong may kinalaman sa bullying at magpatupad ng mga interbensyon.

ADVERTISEMENT

Kasabay nito, ipinatutupad na rin ang Republic Act No. 12080 o Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act, na nag-aatas sa mga paaralan na gawing care centers ang kanilang guidance offices at magkaroon ng mental health professionals.

What do you feel about this article?