LTO, ipinatawag ang van driver na nag-viral matapos lumabag sa parking.
Utos ng Department of Transportation ang Perpetual Revocation O pang-habambuhay na pagkansela ng lisensya ng driver na Nag-Counterflow sa Skyway noong madaling araw ng Sabado.
Huli sa CCTV ang pag-counterflow ng suv sa kahabaan ng Runway Elevated Northbound Section ng Skyway bandang 3:30 ng Madaling Araw. Habambuhay na kanselasyon ang utos ng DOTR sa tsuper upang hindi na pamarisan ang Reckless Driving nito.
Samantala naglabas ng Show Cause Order ang LTO laban sa driver at may-ari ng isang L300 Delivery Van na nasangkot sa isang viral video ng agresibong pagtatalo kaugnay ng Illegal Parking sa Quezon City.
ADVERTISEMENT
Ayon sa LTO, mali talaga ang driver pero nakipagtalo pa ito sa mga awtoridad, Kapag nakumpirma ang pagkakakilanlan ng driver, agad sususpindehin ng 90-araw ang lisensya nito.

