Kinoronahan bilang Miss Earth Philippines 2025 si Joy Barcoma sa katatapos lamang na Grand Coronation Night nitong Linggo, August 10. Tinalo ni Joy ang 35 kandidata mula sa ibat-ibang panig ng bansa.
Kasama ni Joy sa Elemental Court ang iba pang kandidatang wagi na sina Maria Flordeliz Mabao bilang Miss Earth Air 2025, Angel Rose Tambal ng La Paz, Leyte bilang Miss Philippines Water 2025, Jamie Strickland para sa Miss Philippines Fire 2025 at Krizel Jane Torres bilang Miss Eco-Tourism 2025.
Si Joy barcoma ang ilalaban at magiging pambato ng Pilipinas sa susunod na Miss Earth na posibleng mag-uwi ng ika-limang International Crown habang wala pang anunsyo kung kailan ang eksaktong petsa at lugar ng kompetisyon.

