Hindi tumataas at pwedeng bumababa na rin ang bilang mga indbidwal na tinatamaan ng Leptospirosis sa buong bansa, base sa datos ng DOH.
Ayon kay Health Spokesman Albert Domingo, nananatili sa 3000 katao ang bilang magmula June 8, hanggang August 7.
Una nang lumobo ang bilang ng Lepto Cases sa bansa bunsod ng malawakang pagbaha nitong Hulyo.
Gayunpaman ayon sa DOH nanatili pa ring banta sa kalusugan ang Leptospirosis lalo’t maraming lugar ang lubog pa rin sa tubig.
ADVERTISEMENT
Sa datos ng ahensya, Metro Manila ang may pinaka maraming naitalang kaso na tinutugunan ng 19 na Leptospirosis Lanes sa mga DOH Hospitals.

