Good NewsFeatured

2 Pinoy students, nag-uwi ng medalya mula sa Copernicus Math Olympiad sa New York City | News Light

Talino at husay sa math ang muling ipinakita ng mga kabataang Pinoy! Iyan ay matapos mag-uwi ng medalya ang dalawang Pinoy students mula sa ika-anim na Copernicus Math Olympiad na…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Talino at husay sa math ang muling ipinakita ng mga kabataang Pinoy!

Iyan ay matapos mag-uwi ng medalya ang dalawang Pinoy students mula sa ika-anim na Copernicus Math Olympiad na isinagawa sa Columbia University sa New York City.

Nasungkit ng Grade 9 student na si Liam Casey Opulento ng Philippine Science High School Central Luzon ang silver medal para sa Category 3 ng olympiad.

Samantalang bronze medal naman para sa Category 1 ang nakamit ng Grade 5 student na si Theodore Marabe mula sa Stonyhurst Southville International School sa Batangas City.

ADVERTISEMENT

Bago pa nga ito, nakuha rin ni Theodore ang silver medal mula sa Horizon Olympiad Global Round na ginanap naman sa New Jersey.

Congratulations, math wizards!

What do you feel about this article?