Muli na namang nakaranas ng agresyon at banta ng water cannon mula sa Chinese Ships ang mga barko ng Philippine Coastguard sa Bajo De Masinloc sa West Philippine Sea.
Pero sa pagkakataong ito, dalawang barko ng China ang nagbanggaan sa insidente at PCG pa ang nag-alok ng medical assistance.

