Latest NewsBalitang A2Z

PH Coast Guard: Hinihinalang underwater drone, natagpuan ng mga mangingisda sa Bolinao, Pangasinan

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na narekober ng mga mangingisda sa Bolinao Pangasinan ang isang hinihinalang underwater drone. Sa report ng PCG, August 6 nang matagpuan ng mga mangingisda ang…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na narekober ng mga mangingisda sa Bolinao Pangasinan

ang isang hinihinalang underwater drone.

Sa report ng PCG, August 6 nang matagpuan ng mga mangingisda ang palutang-lutang na bagay sa layong 149 nautical miles mula Bolinao.

Agad inireport ng mga mangingisda ang nadiskubreng gamit at ngayon ay nasa pangangalaga na ng PCG.

ADVERTISEMENT

Bago nito hindi bababa sa anim na underwater drones ang natagpuan na sa iba’t-ibang katubigan ng Pilipinas.

At ayon sa Philippine Navy mga submersible drones na natagpuan sa Ilocos Norte, Calayan Island at Misamis Oriental ay binubuo ng maraming components na gawa sa China.

What do you feel about this article?