Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na narekober ng mga mangingisda sa Bolinao, Pangasinan ang isang hinihinalang underwater drone.
Sa report ng PCG, Agosto 6 nang matagpuan ng mga mangingisda ang palutang-lutang na bagay sa layong 149 nautical miles mula Bolinao.
Agad inireport ng mga mangingisda ang nadiskubreng gamit at ngayon ay nasa pangangalaga na ng PCG.
Bago nito, hindi bababa sa anim na underwater drones ang natagpuan na sa iba’t ibang katubigan ng Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Philippine Navy, ang mga submersible drones na natagpuan sa Ilocos Norte, Calayan Island at Misamis Oriental ay binubuo ng maraming components na gawa sa China.

