Balitang A2ZLatest News

Online gambling, dapat i-ban ng CSC sa lahat ng opisina at empleyado ng gobyerno – Sen. Villanueva

Sa isang pahayag sinabi ni Villanueva na dapat ay magbaba ang CSC ng polisiya upang malabanan ang pagsusugal sa mga civil servants at lingkod bayan. Anya, hindi na dapat hihintayin…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Sa isang pahayag sinabi ni Villanueva na dapat ay magbaba ang CSC ng polisiya upang malabanan ang pagsusugal sa mga civil servants at lingkod bayan.

Anya, hindi na dapat hihintayin pa na mahulog sa adiksyon ang mga lingkod bayan bago aksyunan ang problema.

Mababatid na nanatili ang ban sa pisikal na pagpunta ng mga government officials at workers sa lugar ng sugalan tulad ng Casino.

Pero panahon na anya na i-update ng CSC ang ban para maisama rito ang pagbabawal sa paggamit ng online gambling platforms lalo na sa oras ng trabaho.

What do you feel about this article?