Balitang A2ZLatest News

ICC Asst. to counsel, naniniwalang hindi malaki ang epekto sa drug war case ang hiling ng kampo ni FPRRD na i-disqualify si Prosecutor Khan

Naniniwala si ICC Asssistant to counsel Atty. Kristina Conti na hindi malaki ang magiging epekto sa drug war case ng hiling ng kampo ni former President Rodrigo Duterte na ipa-disqualify…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Naniniwala si ICC Asssistant to counsel Atty. Kristina Conti na hindi malaki ang magiging epekto sa drug war case ng hiling ng kampo ni former President Rodrigo Duterte na ipa-disqualify ang Chief Prosecutor na si Karim Khan.

Una nang hiniling ng kampo ni Duterte sa International Criminal Court na tanggalin sa kaso si Khan dahil sa anilay conflict of interest.

Iniangat din ng legal team ni Duterte ang mga akusasyon ng sexual assault laban kay Khan.

Mababatid na sumailalim sa self-imposed na leave si Khan sa harap ng alegasyon.  Pero para kay Conti kahit pa tanggalin sa kaso si Khan ay malakas pa rin anya ang laban nila sa crimes against humanity case kontra kay Duterte.

What do you feel about this article?