Pumasok na sa Philippine area of responsibility o PAR ang severe tropical storm na si “Podul” o Gorio sa Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro nito sa layong 1,305 kilometro sa silangan ng extreme northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 110 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 135 kilometro kada oras habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Sa ngayon, wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal, ngunit posibleng magtaas ng signal no. 1 sa extreme northern Luzon kung lilihis pa-hilaga ang bagyo.
Magdadala ito ng katamtamang taas ng alon sa baybayin ng extreme northern Luzon kaya pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na mag-ingat.

