Masayang nagdiwang si Vice President Sara Duterte kasama ang kanyang legal team matapos ang desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment case laban sa kanya nitong Agosto 6.
Sa ibinahaging larawan ng isa sa mga legal team ni Duterte na si Councilor Atty. Luna Acosta, makikita ang masayang pagtitipon pero hindi na ibinahagi kung saang lugar nangyari ang pagpupulong.
Samantala, spotted rin ang ikalawang pangulo na dumalo sa misa pasasalamat ng Kadayawan Festival sa San Pedro Cathedral sa Davao City.
Sa kabila ng desisyon ng Senado, nakatakda pa ring magsumite ang kampo ni VP Sara ng komento sa inihain ng apela ng Kamara sa Korte Suprema ukol sa konstitusyonalidad ng articles of impeachment.

