Nagmistulang laro ng tug of war o agawan ng lubid ang eksena sa Tondo Maynila, matapos mag unahan ang mga residente sa Barangay 105 sa mga nagkalat na kable ng kuryente sa gitna ng clearing operations matapos ang sunog doon.
Kita sa trending videos ang pagkakagulo ng mga residente sa Aroma Compound, upang mabaklas at makuha ang mga kable na posibleng ibebenta sa junk shop.
Mariin namang kinukundena ng Meralco ang pagnanakaw sa mga kable na ayon sa electric company ay mapanganib, labag sa batas at posibleng makaapekto sa muling pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa lugar.
Aabot sa 1500 na pamilya ang naapektuhan ng sunog sa naturang compound nitong August 7.

