Good NewsFeatured

Team Pilipinas, nag-uwi ng parangal mula sa 21st International Geography Olympiad sa Thailand | News Light

Muling nagpakitang-gilas ang mga kabataang Pilipino! Sa katatapos lamang na 21st International Geography Olympiad o iGeo, nag-uwi ng medalya at parangal ang mga kinatawan ng Pilipinas.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Muling nagpakitang-gilas ang mga kabataang Pilipino!

Sa katatapos lamang na 21st International Geography Olympiad o iGeo, nag-uwi ng medalya at parangal ang mga kinatawan ng Pilipinas.

Si Thadeus I. Trazo ng Dole Philippines School ay nagkamit ng bronze medal.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapasok sa Top 10 at nagtapos sa ika-siyam na puwesto ang Team Pilipinas para sa multimedia test.

ADVERTISEMENT

Pagbati sa Team Philippines ng iGeo 2025!

What do you feel about this article?