Nagprotesta ang mga pro-impeachment group sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkules habang nagbobotohan ang mga senador para isantabi ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Napansin ang ilang lider ng pro-impeachment groups na nag-thumbs down at nag-walkout Miyerkules ng gabi habang nagpapatuloy ang botohan sa motion to archive ang mga reklamo.
Pinasaringan naman ni Senador Imee Marcos ang aniya’y nasa likod ng impeachment na tinawag niyang “spoiled bondying.”
Kilalang kritiko si Marcos ng kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez ngunit iginiit niyang wala siyang personal na isyu rito.

